Posts

Pagkakaibigan

Image
          Sa una kong blog, napag-usapan natin ang tungkol sa pang-abay, wastong salita, at pang-angkop. Ngayon namang ikalawang blog ko na, ibabahagi ko naman ang mga kaalaman ko tungkol sa pagkakaibigan.        Alam kong pamilyar na sa karamihan ang salitang kaibigan . Kung hindi niyo man alam kung ano ito, sasabihin ko sa inyo ang depinisyon nito. Ang kaibigan ay isang uri ng tao na maaari mong hilingan ng tulong sa oras ng pangangailangan.         BIRO LANG~! Tama naman ang nakapahayag ngunit ang sa akin lamang, magpahinga muna tayo sa mga depinisyong halata namang 'copy-paste' lang galing sa Google. Sigurado naman kasi ako na may kanya-kanya tayong kahulugan na ibinibigay sa salitang iyan dahil na rin siguro sa pagkakaiba ng mga trip natin sa buhay.  (Walang basagan ng trip, pare!)  Dahil nga iba-iba nga naman talaga ang mga trip natin ,  may sarili rin akong depinisyon ng kaibigan.   ...